The detail of this page

Tagalog

Ang Tagalog na bersyon sa wika ng website ng Kagawaran ng Serbisyong Arkitektural (ArchSD) ay naglalaman lamang ng ilang kapaki-pakinabang na impormasyon. Maari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino, Pinasimple na Tsino.
Maligayang Pagbati
Isinasagawa ng Kagawaran ng Serbisyong Arkitektural ang sumusunod na tatlong pangunahing tungkulin kaugnay ng mga pasilidad na pag-aari at pinondohan ng Pamahalaan
  • Mga Serbisyo sa Pagsubaybay at Pagpapayo
  • Pagpapanatili ng Pasilidad
  • Pagpapaunlad ng Pasilidad
Sa pagbuo at pagpapanatili ng mga pampublikong pasilidad, ang kagawaran ay masigasig na malapit na nakikipagtulungan sa aming mga kasamahan sa industriya, mga kagawarang pinagsisilbihan, at lahat ng stakeholders upang mapabuti ang kaligtasan sa mga lugar ng konstruksyon at mapataas ang kalidad ng mga pampublikong pasilidad. Pinahahalagahan namin ang pakikipagtulungan sa iba´t ibang stakeholders, kabilang ang mg nasa akademya, mga start-up, mga kumpanyang lokal at institusyon mula sa Kalupaang Tsina, upang aktibong saliksikin ang mga pinakabagong pag-unlad sa teknolohiya ng konstruksiyon at ang kanilang aplikasyon sa mga yugto ng disenyo, konstruksiyon, at operasyon. Kami ay nakatuon sa paggamit ng makabagong pamamaraan at tekngnolohiya sa konstruksiyon, kasama ang mga inklusibo at makakalikasang disenyo ng gusali upang makalikha ng isang napapanatiling, mas matatag, at nakasentro sa tao na kapaligirang tirahan para sa Hong Kong. Sa pamamagitan ng paggamit ng bawat oportunidad sa pag-unlad kasama ang mga kalahok sa industriya ng konstruksiyon, nagsusumikap kaming bumuo ng mas magandang kapaligiran para sa kasiyahan ng publiko sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pagbabahagi ng karanasan Sa mga serbisyo ng pagsubaybay at pagpapayo, patuloy kaming magbibigay at magpapadali ng propesyonal at teknikal na payo sa Pamahalaan at mga organisasyong kwasi-pamahalaan para sa mga proyektong pinondohan at pinangangasiwaan.
Pangunahing Gawain
Ang pangunahing gawain ng Kagawaran ng Serbisyong Arkitektural ay ang mga sumusunod:
Mga Serbisyo sa Pagsubaybay at Pagpapayo
Ang layunin namin ay magbigay ng epektibong propesyonal at teknikal na payo sa Pamahalaan at mga organisasyong kwasi-pamahalaan, pati na rin
pangasiwaan at pasimplehin ang mga pinopondohan at pinangangasiwaang proyekto. Nagbibigay ang Kagawaran ng propesyonal at teknikal na payo. Kabilang dito ang:

  1. payo sa mga serbisyong may kinalaman sa pagtatayo ng gusali, inhinyeriya, at landscape services pati na rin sa mga isyu na may kaugnayan sa pagpaplano at pagpapaunlad;
  2. payo sa Pamahalaan tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa gastos ng pagtatayo ng gusali, mga praktis at pamantayan, pati na rin sa pagsunod sa batas para sa mga gawaing pagtatayo ng pamahalaan sa lupaing pagmamayari ng pamahalaan;
  3. payo sa mga bagay na may kaugnayan sa konserbasyon ng itinayong pamana; at
  4. payo sa Pamahalaan tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa disenyo ng green building.
Ang Dibisyon ng Pinopondohang mga Proyekto ng Kagawaran ay responsable para sa pagpapadali at pagtiyak na ang mga proyekto ng pamahalaan na pinopondohan at pinangangasiwaan ay sumusunod sa mga pangangailangan ng pamahalaan. Kasama sa trabaho ang:

  1. pag-susuri ng badyet, disenyo, mga dokumento ng bid, mga rekomendasyon sa bid at pangwakas na mga account; at
  2. pagpapatnubay sa pagsunod sa mga pamantayan sa disenyo at mga kinakailangan sa pag-bid.

Ang nabanggit na gawain ay isinasagawa alinsunod sa mga kaukulang prinsipyo ng subsidiya at pagtitiwala.

Pagpapanatili ng Pasilidad
Ang aming layunin ay magbigay ng mahusay at matipid na propesyonal at pamamahala ng proyekto para sa pagpapanatili at pagkukumpuni ng mga gusali at pasilidad. Ang Sangay ng Serbisyong Pang-Ari-arian ng Kagawaran ay responsable para sa pangangalaga ng mga pasilidad. Kasama sa gawain ang:
  1. pagpapanatili at pagkukumpuni ng lahat ng gusali at pasilidad ng pamahalaan; at
  2. pagkukumpuni, pag-aayos, pagbabago, pagdaragdag at pagpapabuti, at mga emerhensiyang pagkukumpuni sa lahat ng ari-ariang pinapanatili ng Sangay.

Pagpapaunlad ng Pasilidad
Ang aming layunin ay magbigay ng mahusay, matipid, at napapanahong serbisyong arkitektural pati na rin mga kaugnay na propesyonal at serbisyong pamamahala ng proyekto para sa disenyo at konstruksyon ng mga gusali at kaugnay na pasilidad

Ang Sangay ng Pamamahala ng Proyekto, Sangay ng Arkitektura, Sangay ng Serbisyong Pang-Gusali, Sangay ng Inhinyeriya sa Estruktura, Sangay ng
Surbeyang Pangkantidad, at Sangay ng Serbisyong Pang-Ari-arian ng Kagawaran ay responsable para sa pag-pagpapaunlad ng mga bagong pasilidad. Kasama sa gawain ang:

  1. pagtulong sa mga sineserbisyuhang kagawaran sa pagpapaunlad ng kanilang mga pangangailangan;
  2. pagdidisenyo ng mga pasilidad upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga gumagamit at ng Pamahalaan; at
  3. paghirang ng mga consultant at kontratista at pagsubaybay sa kanilang mga gawain upang matiyak na ang mga pasilidad ay naipapagawa nang naaayon sa pamantayan